KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dam•bóng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Ninakaw.

dam•bóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malakihang pagnanakaw o ilegal na pagkuha ng kayamanan na pag-aari ng pangkat.

2. Mga bagay na nakuha mula rito.

Paglalapi
  • • dambúngan, mandarambóng, pagdambóng, pandarambóng: Pangngalan
  • • dambungín, dumambóng, mandambóng: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?