KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

má•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkaalam o pag-unawa sa anuman.
BATÍD, MALÁK, BUÓT, GÚNAM, SENSE

2. Kalagayan ng tao na gisíng at ganap na nalaláman ang mga nangyayari sa kaniyang paligid.
SENSE

3. Kabatiran ng isang tao (o ng isip) sa sariling pag-iral.
BATÍD, MALÁK

Paglalapi
  • • kamalayán, pagkamálay: Pangngalan
  • • magkamálay, magpamálay, mamaláyan: Pandiwa

ma•láy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Gisíng.

2. May kamalayán sa nangyayari at sa paligid.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?