KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•tíd

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Alam o nauunawaan ang anuman dahil sa karanasan o sa pagkakahatid ng impormasyon.
Batíd ko na umalis ka na sa ating paaralan.
TALASTÁS, HULÒ, TAHÔ, INTINDÍ, TARÓK

2. Tingnan ang unawà
Batíd niya ang hindi magandang dinaranas ng kasintahan.

Paglalapi
  • • pabatíd: Pangngalan
  • • makabatíd, pabatirán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?