KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lam•pás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
lag•pás
Kahulugan

Kahigitan sa habà, taas, layò, atbp.
Isang metro ang lampás niya kay Lydia.
SÓBRA, LUBHÂ, LUSÓT

Paglalapi
  • • ilampás, lampasán, lumampás, makalampás, malampasán: Pandiwa
  • • lampásan: Pang-uri
  • • lampás-lampasán: Pang-abay
Tambalan
  • • lampás-baywáng, lampás-táo, lampás-túhodPang-uri
  • • lampás-táoPang-uri

lam•pás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Higit ang habà, taás, layò, atbp.; labis sa nararapat.
Lampás na siyá sa itinakdang bílang ng páhiná na kailangang basahin.
MASYÁDO

2. Nakaraan na.
Lampás na sa oras ang pag-inom mo ng gamot.

3. Tingnan ang tagós

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?