KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•gós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagsuot o paglagos ng anuman sa isang rabáw o materyal (gaya ng dugo sa damit, sibat sa dibdib, multo sa pader, atbp.).
SAGÁD

Paglalapi
  • • pagtagós: Pangngalan
  • • matagusán, patagusán, tagusán, tumagós: Pandiwa

ta•gós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sumuot sa loob ng isang rabáw o materyal (gaya ng dugo sa damit, sibat sa dibdib, multo sa pader, atbp.).

2. Sagad hanggang sa kabiláng bahagi.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?