KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•mang

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tangì o wala nang iba pa.
Si Jose lámang ang anak ng mag-asawang Robert at Gina.

lá•mang

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Varyant
lang, lá•ang
Kahulugan

1. Wala nang iba pa.
TALAGÁ

2. Katatapos mangyari.

lá•mang

Bahagi ng Pananalita
Pangatnig
Kahulugan

Ngunit o subalit; karaniwang sinusundan ng ay.
Talagang manonood akó ng sine, lámang ay umulan.

la•máng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kahigitán sa anumang bagay o paraan ng isa sa isa.
Malaki ang lamáng ng koponan nila Edie sa koponan nila Noel sa basketbol.
BENTÁHA

2. Sinuman o anumang nakahihigit sa iba.

Paglalapi
  • • kalamangán, lamángan, palamáng, panlalamáng: Pangngalan
  • • lamangán, lumamáng, magpalamáng, makalamáng, makalamáng, malamangán, manlamáng, nalalamangán: Pandiwa
  • • malamáng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?