KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•la•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahanda o pagtatakda sa anumang mangyayari.

2. Paglalagay ng sinuman sa isang tungkulin.

3. Pagkakadestino ng empleado, opisyal, atbp. sa isang pook.

4. Likás na katangian ng isang tao.

Paglalapi
  • • katalagahán, pagtalagá: Pangngalan
  • • italagá, magtalagá, mapatalagá, tumalagá: Pandiwa
Idyoma
  • nása talagá na ng Diyós
    ➞ Malápit nang mamatay.

ta•la•gá

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

1. May buong katiyakan.

2. Sa ayos o uri na likás sa anuman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?