KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•kás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kakayahan ng katawan o ng mga bahagi at sangkap nitó upang makaganap o makagawâ ng anuman.
KUSÓG

2. Tibay, tigas, o itatagal ng anuman.
TATÁG

3. Tingnan ang puwérsa
Halos masira ang tambol sa lakás ng palò niya.

4. Tindi sa pandinig.
Sa lakás ng tunog ng sirena, nagising ang sanggol.

5. Tingnan ang impluwénsiyá
Káya mong makapasok sa kompanya sa lakás ng ninong mo.

6. Tingnan ang bisà
Mabilis siyáng gumaling dahil sa lakás ng gamot na ininom niya.

7. Ang mabuting takbó ng bilíhan.
Kumita siyá nang malakí sa lakás ng tindá ngayón.

Paglalapi
  • • palakásan, pampalakás, pampalakásan: Pangngalan
  • • lakasán, lumakás, magpalakás, makapagpalakás, palakasín: Pandiwa
  • • malakasán, malakás, nakapagpalakás: Pang-uri
Idyoma
  • nagsukatán ng lakás
    ➞ Nag-away o nagsuntukan.
  • lakás-ng-loób
    ➞ Katapangan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?