KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

im•plu•wén•si•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
influencia
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Kakayahan ng anuman o sinuman na makaapekto sa ugali o pag-unlad ng iba.
Malakas pa rin ang impluwénsiyá ng Amerika sa kultura at pamumuhay ng mga Pilipino.
LAKÁS

2. Ang mismong epekto.
Kabílang sa mga impluwénsiyá ng mga Amerikano ang pagkain ng hamburger.
IMPLÚHO

Paglalapi
  • • impluwénsiyahán, maimpluwénsiyahán, makaimpluwénsiyá, mang-impluwénsiyá: Pandiwa
  • • maimpluwénsiyá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?