KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ku•rá•kot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Lihim na pangunguha ng anumang bagay nang walang pahintulot.
KULIMBÁT, NÁKAW

2. Táong gumagawa nitó.
MAGNANÁKAW

Paglalapi
  • • kakurakútan, pagkurákot, pangungurákot: Pangngalan
  • • kinurakútan, kinurákot, kurakútin, mangurákot, nangungurákot: Pandiwa

ku•rá•kot

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nangunguha ng anumang bagay na pag-aari ng iba.

2. Tingnan ang koráp

Paglalapi
  • • kakurakútan, pagkurákot, pangungurákot: Pangngalan
  • • kinurakútan, kinurákot, kurakútin, mangurákot, nangungurákot: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?