KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kon•tról

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
control
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Pagpipigil sa paggawa ng anumang bagay o pag-iwas sa kasukdulan.
Nawalan siyá ng kontról sa sarili nang duruin ng isang laláki.

2. Pamamahala; kapangyarihang mag-utos o magpasunod.
Ibinigay na sa kaniya ng mga magulang ang kontról sa kanilang negosyo.
DISPOSISYÓN

3. Pagsugpo; paghadlang.
Nása kamay ng mga beterinaryo ang kontról sa kumakalat na sakít ng mga hayop.

Paglalapi
  • • pagkontról: Pangngalan
  • • kinontról, kontrolín, kumontról, magkontról: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?