KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dis•po•sis•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
disposición
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Likás na tendensiya, asal, pag-iisip, atbp. ng isang tao.

2. Pagkakaayos o ugnayan ng mga bagay sa kinalalagyan.

3. Pagpapasiya o pamamahala.

Paglalapi
  • • disposisyunán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?