KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•pang•ya•rí•han

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ka+pang+yári+han
Kahulugan

1. Kakayahang maisagawâ ang anuman.
LAKÁS

2. POLITIKA Karapatang taglay ng isang may katungkulan o kakayahan na gumawa o mag-utos ng anuman alinsunod sa lakas o kaya niyang pamahaláan.
ÁWTORIDÁD, PODÉR

Paglalapi
  • • maykapangyaríhan: Pangngalan
  • • makapangyaríhan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?