KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kú•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bílang na kailangan upang humusto o mapunô ang anuman; kapupunan ng anumang halaga o dami.
Limandaan pa ang kúlang sa pera niya pára makapagpatala sa pasukán.

2. Tao o bagay na nawawala.
Tatlo pa ang kúlang sa mga pasaherong turista.

Paglalapi
  • • kakulangán, pagkukúlang: Pangngalan
  • • kinúlang, kulángan, kulángin, kumúlang, magkúlang: Pandiwa
  • • humigít-kumúlang, kuláng-kuláng, waláng-kúlang: Pang-uri
Idyoma
  • kuláng-pálad
    ➞ Walang suwerte; malas; sawimpalad.

kú•lang

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi sapat.
Kúlang ang pamasaheng ibinigay ng nanay niya.
KAPÓS

2. Hindi tapos.
Kúlang ang isinulat mo kayâ hindi maintindihan.

3. Hindi punô.

Paglalapi
  • • magkúlang: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?