KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caso
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. BATAS Usapín o suliraning nauugnay sa batas na idinulog sa hukuman.
DEMÁNDA, HABLÁ, PARÁTANG, REKLÁMO, SAKDÁL

2. Tingnan ang instánsiyá
Isa itong káso ng hindi pagkakaunawaan.

3. GRAMATIKA Tingnan ang kaukulán

ká•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caso
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

MEDISINA Instansiya ng pagkakaroon ng isang sakít; karaniwang nagagamit sa mga laganap na uri.
Maraming kaso ng dengue tuwing panahon ng tag-ulan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?