KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•rá•tang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahayag hinggil sa paggawâ ng kápuwâ ng isang bagay na masamâ o ilegal, na maaaring may katibayan o walâ.

2. Hinalà na walang katotohanan, lalo na para sa layuning manirà.
Marami siyang parátang laban sa akin na tíla mula sa guniguni.
AKUSASYÓN, BINTÁNG, SAKDÁL, ALEGASYÓN, DEMÁNDA, HABLÁ, REKLÁMO, KÉHA

3. Tawag din sa hindi magandang bagay na tinutukoy.

Paglalapi
  • • pagpaparátang: Pangngalan
  • • iparátang, magparátang, maparatángan, paratángan, pinaratángan: Pandiwa
  • • naparatángan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?