KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•may•máy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mahabà, pino, at mistulang sinulid na nakukuha sa upák ng punò ng abaka o pinya.
Kunin lahat ang himaymáy ng búlak sa loob ng bunga at ihiwalay ang mga butó nitó.
HILATSÁ, HIBLÁ

2. Paghahatak o paghahágot sa mga hibla ng abaka, niyog atbp.

3. Tingnan ang himáy
Inisa-isa niya ang himaymáy sa binásang kuwento kayâ malinaw niya itong naintindihan.

4. Tingnan ang katiwasayán

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?