KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•máy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalís ng bútil ng maís sa búsal.
Mabilis ang himáy niya sa butil ng mais pára madali itong makain.

2. Pagtatálop o pag-aalís ng butó ng gulay o prutas (gaya ng patanì, bataw, langkâ , sitaw, atbp); pag-aalís ng laman o karné mulâ sa lamándágat (gaya ng alimásag, alimángo, tulya, atbp).
Kaunti lang ang himáy ng laman ng alimasag na ipakakain niya sa sanggol.

3. Pag-aáral o pagsusurì ng isang bagay nang isá-isá.
Masusi ang himáy ng mag-aaral sa bagong paksang ibinigay ng kanilang guro.

Paglalapi
  • • paghimáy: Pangngalan
  • • himayín, ihimáy, ipahimáy, ipakihimáy, maghimáy, paghimayín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?