KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•gít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghatak o paghila sa anuman.
Mahigpit ang higít ng sanggol sa damit ng ina na papaalis.
BÁTAK, HÁTAK, HILÀ

2. Kalamangán ng isa sa kápuwâ.
Ilang puntos lámang ang higít ng kalaban kayâ maaari pa natin itong habúlin.

Paglalapi
  • • higítan, kahigitán, kahigtán, paghigít: Pangngalan
  • • , higitán, higitín, humigít, mahigitán, mahigít, pahigitán, pahigitín: Pandiwa

hi•gít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May katangiang lalong magalíng kaysa iba.
Higít siyáng magaling sa pagsayaw kaysa kaniyang kapatid.
LAMÁNG, MAS, NAKALÁLAMÁNG

hi•gít

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Sa mas mataas na antas (ng tinutukoy o inihahambing).
Higít na matulin ang kotse ko sa kotse mo.
LALÒ, MASSIDHI

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?