KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•tì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbiyak o pagputol sa gitnâ.
Gitnáng-gitnâ ang hatì ng kawáyan.

2. Nabuong linya o pagitan na naghihiwalay sa dalawa o higit pang bagay na magkakatabi.

3. Pagbabahagi sa anumang piniraso o hiniwà.
Malalaki ang hatì ng bibingka.
PARTÉ

4. Pag-aayos ng buhok ng mga laláki, mula sa dákong noo hanggang sa puyo sa dákong likod o tuktok ng ulo.
Gawin mong tuwid ang hatì sa buhok niya.
PÚRKA, HAWÌ

Paglalapi
  • • hatián, kahatì, kalahatì, paghahatì, paghatì, pagkahatì: Pangngalan
  • • hatían, hatíin, humatì, ihatì, ipaghatì, ipahatì, maghatì, magkahatì-hatì, mahatì, makihatì, mapaghatì, mapaghatían, mapaghatî-hatían, paghatían, paghatíin, paghatî-hatíin: Pandiwa

ha•tî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Biyak sa gitnâ.
Hatî na ang kawayang pansahig.

2. Nasuklay o naáyos na ang buhok.
HAWÌ

3. Nabahági na.
Hatî na ang bibingkang ibibigay sa inyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Ang Disyembre ay Pambansang Buwan ng mga Boluntír. Sa 2025, ano ang nais mong paglaanan ng panahon at talino bilang boluntír?