KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•wì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalis o pag-aayós ng mga damo at maliliit na punò upang lumikhâ ng daanán.

2. Pag-aayós ng buhok.
Sa kanan ang hawì ng buhok ni Lina.

3. Pagbubukás ng isang tábing sa pamamagitan ng pagtulak o paghila sa mga ito sa isang tabí.

Paglalapi
  • • paghawì, panghawì: Pangngalan
  • • hawían, hawíin, humawì, ihawì, ipanghawì, maghawì, mahawì: Pandiwa
  • • nakahawì: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?