KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•ngò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. KULINARYO Pag-aalis ng palayok at iba pang nakasálang sa apoy o kalan.
Dahan-dahanin mo ang hangò ng sabaw sa kalan at bakâ ka mapasò.
ÁHON, KÚHA

2. SOSYOLOHIYA Pagliligtas sa isang nása panganib.
Naging mabilis ang hangò sa batang nahulog sa ímburnál.
SAKLÓLO

3. LITERATURA Paghalaw sa akdâ at iba pang kasulatan.
Hangò ang talatang iyan sa Florante at Laura.
GÁYA

Paglalapi
  • • hanguán, paghahangò, panghangò, pinaghangúan: Pangngalan
  • • hangúin, hinangò, humangò, ihangò, ipahangò, maghangò, mahangò, paghangúan: Pandiwa
  • • mapaghangúan : Pang-uri

ha•ngò

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Itinulad o ibinatay sa iba; hindi orihinal.
Hangò sa orihinal na teksto ang interpretasyon ng guro sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
HINÁLAW, GÁYA

2. Naalís na sa pagkakasálang sa apoy o kalan.
Hangò nang matagal ang nilutong ulam ni inay bágo ka dumating kayâ malamig na ito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?