KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sak•ló•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
socorro
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagtulong sa isang tao na inábot ng sakuna, nása panganib, o nakararanas ng kagipitan.
AYÚDA, SAGÍP, TÚLONG

Paglalapi
  • • pagsaklólo, pansaklólo : Pangngalan
  • • magpasaklólo, saklolóhan, sinaklolóhan, sumaklólo: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?