KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gi•nít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog ng latigo o katulad nitó na inihagis nang malakas.
Malakas ang palò niya sa kabayo dahil dinig ang haginít ng latigo sa katawan nitó.
LAGAPÁK, LAGUTÓK

2. Mabilis na pagdaan ng anuman sa tabí ng isang bagay.
Dinig ko ang haginít ng lipad ng bubuyog sa likod ko.
HAGÍBIS, HAGUNÓT, HARÚROT, LAGINÍT, LAGITLÍT

Paglalapi
  • • háginitán, paghaginít: Pangngalan
  • • humaginít, magháginítan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?