KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gu•nót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ingay na biglaan at mabilís na pagdaan ng bála o sasakyán.
Nakatatakot ang hagunót ng sasakyáng nagdaan.

2. Biglang pagsalimbáy ng anumang mabilís na lumilipad o tumatakbó.
Mabilis ang hagunót ng mga eroplano sa himpapawid.

3. Tunóg ng malakás na hángin.
Malakas ang hagunót ng bagyong nananalanta sa bansa.

Paglalapi
  • • paghagunót : Pangngalan
  • • humagunót: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?