KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•ging

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog o ingay na mabilis sumagì sa tainga.
Malakas ang híging ng bubuyog sa tainga ko.
HÁGING, HÚGONG, HÚNI, ÚGONG

2. Pagpapahiwatig ng hímig ng isang tugtúgin o awit.
Sa híging lámang ng awit ng ina ay sapat na upang makatulog ang sanggol.
TÓNO

3. Pagkahiwatig sa anumang pangyayári o balità; pagkaalam na walang matíbay na salígan kung totoo o hindi.
Ang híging ng balita sa labas ay mag-aasawa na raw ang matandang dalagang pinsan mo.
TSÍSMIS, ULÍNIG

Paglalapi
  • • híging-híging, kahigingán, paghíging: Pangngalan
  • • higingán, humíging, ihíging, mahigingán: Pandiwa
  • • kahigíng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?