KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•ni

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog na likhâ ng ibon, tukô, atbp.; sa táo, ang paggagad sa mga ibon lalò kung may inihihimig na awit.
Gayahin mo nga ang húni ng ibon.

2. Himig ng awit na sa ilong lumalabas.

Paglalapi
  • • huníhan, paghúni: Pangngalan
  • • humúni, huníhin, ihúni, ipahúni, maghunihán, pahuníhin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?