KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtálo o pagpapasuko sa kalaban sa pamamagitan ng lakas.
LÚPIG, BAGSÁL, SÚPIL

2. Pagbali sa sanga ng punongkahoy.
SAPÁK

Paglalapi
  • • gapíin, magapì, magpagapì, makagapí: Pandiwa

ga•pî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Natálo sa lakas ng kalaban.
Gapî ang mga tropa sa tindi ng atake ng kabiláng hukbo.

2. Balî kung sa sanga ng kahoy.

Paglalapi
  • • pagkagapî: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?