KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•pak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbalì sa sanga, lálo na sa dákong punò nitó.
SANGÁL

2. Dákong kinabalian ng sanga ng punongkahoy.

sa•pák

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Chino
Kahulugan

1. Maingay na pagnguya.

2. Balî sa dákong punò (tulad sa sanga ng punongkahoy).

3. Nakabaón nang sagad.

4. Napakaganda.

5. Napakagaling.

Paglalapi
  • • pagsapák, pananapák: Pangngalan
  • • masapák, nagsapákan, nasapák, pinasapák, sapakín, sinapák, sumapák: Pandiwa
  • • sapák: Pang-uri

sa•pák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog na nalilikha ng bibig kapag kumakain.

2. Suntok sa mukha.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?