KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ing

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
dá•eng
Kahulugan

Isdang biniyak, inasinan, at pinatuyo.

Paglalapi
  • • daingán, pagdadáing: Pangngalan
  • • daíngin: Pandiwa
  • • dináing: Pang-uri

da•íng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapahayag ng lungkot, sakít, hindi kasiyahan, samâ-ng-loob, at katulad na damdámin.
HALINGHÍNG, HALUYHÓY, HINAÍNG

2. Tingnan ang pakiúsap
LUHÓG, PETISYÓN

Paglalapi
  • • karaíngan, pagdadaíngan, pagdaíng: Pangngalan
  • • dumaíng, idaíng: Pandiwa
  • • madaíngin: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?