KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•ling•híng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Huni ng kabayong karaniwan ay malakas at matinis.
Nagulat ang lahat sa halinghíng ng kabayong nasaktan.

2. Daíng ng maysakít, lalo na ng isang nangangaligkíg sa matinding ginaw.
Lumalakas ang halinghíng ng maysakit dahil sa hirap na nadarama.
PANAGHÓY, TAGHÓY, HALUYHÓY

3. Mahinang ungol na tandâ ng kaligayahan sa pakikipagtatálik.

Paglalapi
  • • humalinghíng : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?