KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lí•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
belisah
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

Kalagayang naguguluhan ang isip dahil sa pag-aalalá, lalo na dahil sa kawalang-katiyakan ng mga mangyayari pa lámang.
BAGÁBAG, BALINÓ, KABÁ, BILÍNG

Paglalapi
  • • pagkabalisá: Pangngalan

ba•li•sá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
belisah
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

Hindi mapalagay dahil magulo ang isip.
Ang ina ay balisá dahil sa hindi pag-uwi ng kaniyang anak.
BAGABÁG, KABÁDO, LIGALÍG, ABURÍDO, BALAÍS

Paglalapi
  • • pagkabalisá: Pangngalan
  • • mabalisá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?