KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•bá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Masasal na pagtibok ng pusò dahil sa gitla o tákot.
Hindi maalis ang kabá sa dibdib ni Marie mulâ nang harangin siyá sa daan ng isang laláking nakatatakot ang hitsura.
KUTÓB, TIBÓK, KULBÀ

Paglalapi
  • • pagkabá: Pangngalan
  • • kabahán, kumabá: Pandiwa
  • • kabádo, kákaba-kabá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?