KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•sag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkasira ng anumang bagay na yarì sa materyal na marupok o maaaring magkapira-piraso (gaya ng kristal, luwad, semento, atbp.).
BITÁK, LÁMAT, PUTÓK

Paglalapi
  • • pagbásag, pagkabásag: Pangngalan
  • • baságin, mabásag, magbaság, makabásag: Pandiwa

ba•ság

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sirâ (ang anumang bagay na yarì sa materyal na marupok o maaaring magkapira-piraso).

2. Pagiging hindi kanais-nais (kung sa tinig).
Baság na ang datíng magandang tinig ni Betty.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?