KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ang tunog ng baril, kanyon, at iba pang kauri ng mga ito.

2. Ang biglang pagsambulat ng anumang bagay na karaniwan ay lumilikha ng malakas na ingay.

3. Pagkabasag ng mga bagay na katulad ng baso, pinggan, atbp. (gaya ng nangyayari kung nalalagyan ng mainit na tubig); lamat ng mga ganitong kagamitan.

4. Pagbuka ng balát ng mga bungangkahoy dahil sa matinding init ng araw.

5. Walang abog na pagkalat ng balita tungkol sa isang lihim na nangyayari.

6. Sa sugal (lalo na sa huweteng), ang paglabas ng tinayang numero.

Paglalapi
  • • paputók: Pangngalan
  • • putók, magpaputók, paputukán, paputukín, pumutók, magputók: Pandiwa
  • • pumuputók, putók-putók: Pang-uri

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Baság.

2. Nakabuka.
Putók ang tiyan ng mga isdang húli sa pagpapasabog ng dinamita.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?