KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•si•wâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi maginhawa para sa pagkilos.
Asiwâ ang pakiramdam ko kapag suót ko ang amerikanang itó.

2. Kakatwa.
Asiwâ pakinggan ang "Gusto si Ben ng tequila" sapagkat di-gramatikal.
ILÁNG, ALINLÁNGAN

Paglalapi
  • • maasiwâ: Pang-uri

a•si•wà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagiging bahala sa pagpapatakbo ng isang pook o pangkat

2. Pangangalaga sa kapakanan ng isang kabuhayan.

Paglalapi
  • • pagkapangasiwà, pangangasiwà, pángasiwaán: Pangngalan
  • • mangasiwà, mapangasiwáan, pangasiwáan: Pandiwa
  • • pampangasiwaán : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?