KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

i•láng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOGRAPIYA Pook na malayò sa kabayanan at karaniwang walang naninirahan.
Napadpad palá sa iláng ang nawawala niyang kalabáw.
LIBLÍB

2. HEOGRAPIYA Malawak na lupain na halos walang tumutubong halaman.
DESYÉRTO

Paglalapi
  • • kailangán: Pangngalan

i•láng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paggipit sa kalaban o katalo.

i•láng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi maalwang pakiramdam dahil sa hiya o asiwa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?