KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lám

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang nása isip na nakuha sa pamamagitan ng pagmamasid, pagtatanong, o pagtuklas.
TALÍNO, DÚNONG, BATÍD

2. Tingnan ang unawà
Ang alám ko, nakuha niya na iyong papéles.

Paglalapi
  • • kaalamán, kaalám, kinaláman, pagkaalám, pakialaméro, pakialám, pakikialám, pamamaálam, pamaálam: Pangngalan
  • • alamín, inalám, ipaalám, ipagbigáy-alám, makaalám, makialám, makipág-alám, maláman, mapág-alamán, paaláman, pakialamán, pinaalám, pinag-alám: Pandiwa
  • • maálam: Pang-uri

a•lám

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nababatid.
Alám mo na kung saan nakatira si Ben?

2. Lantad.

3. Nauunawaan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?