KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

í•big

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang nais matamo.
Isang sapatos ang íbig matanggap ni Ana sa kaniyang kaarawan.
GUSTÓ, NÁIS, NASÀ, BURÎ

2. Dahilan ng pagsasagawa ng mga bagay.
Ang íbig niya ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
ADHIKÂ, HANGÁD, LÁYON, MITHÎ, PÍTA

3. Táong minamahal.
GÍLIW, KÁIBIGAN, LIYÁG, MUTYÂ, SINTÁ, ÍROG

4. Tingnan ang hilig

Paglalapi
  • • kaibigán, kaibígan, káibigán, mangingíbig, pag-iibigán, pag-íbig, pakikipág-ibigán, pakikipágkaibígan, pangingíbig: Pangngalan
  • • ibígin, mag-ibigán, magkaibigán, magpaíbig, maibígan, mangíbig, mapaíbig, paibígin, umíbig: Pandiwa
  • • kaíbig-íbig, maibígin, mapagkaibígan : Pang-uri
  • • palaíbig: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?