KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•i•bí•gan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong katapatang-loob, kasundo sa ugali, pinagmamalasakitan at pinagkakatiwalaan.
AMIGO, KAPALAGAYANG-LOOB, KATOTO, KATAPÁTAN

Paglalapi
  • • magkaibígan : Pangngalan
  • • makipagkaibígan: Pandiwa

ka•i•bi•gán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakagusto sa anuman o sinuman.
Kaibigán na niyang kumain ng santol sa panahon ng kaniyang paglilihi.

2. Kagustuhang magawa o mangyari ang isang bagay.
Sa kaibigán kong makarating agad ay nagtaksi akó.

ká•i•bi•gán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang kasintáhan
Niyaya na siyáng pakasal ng kaniyang káibigán.

Paglalapi
  • • magkaibigán : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?