KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•mo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Mas nakatataas na táong pinaglilingkuran ng sinumang nagtatrabaho.

2. May-ari ng isang hayop.
BOSS, PANGINOÓN, PUNÒ, SENYORÍTO, HÉPE, TSIP

Paglalapi
  • • mag-ámo: Pangngalan
  • • mapág-amó-amúhan: Pang-uri

a•mò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpayapa sa kalooban ng sinumang may negatibong emosyon tulad ng gálit, pagtatampo, atbp.
PAMANHÍK, SUYÒ

2. Pagpapabait sa isang hayop na ilahás.

3. Kawalan ng bangis o ilap (kung sa isang hayop).

4. Pakikipagpalagayan sa isang tao na malayò ang loob sa sinuman (gaya ng pakikipagkaibigan).

Paglalapi
  • • kaamúan, pag-amò, pagpapaamò: Pangngalan
  • • amúin, inamò, maamò, magpaámo, mapaamò, paamúin: Pandiwa
  • • maamò: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?