KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ngi•no•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tawag sa ámo o may-arì ng hayop o táong makapangyarihan na nagmamay-arì ng malawak na upain.

Paglalapi
  • • mamanginoón, manginoón, panginoonín: Pandiwa
Idyoma
  • walang pinapanginoón
    ➞ Walang iginagalang o kinatatakutan.

Pa•ngi•no•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Sa Kristiyanismo, terminong pamitágan kay Hesukristo.
Si Hesukristo ang ating Panginoón.
POÓN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?