KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•nib

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakapatong ng gilid ng dalawang bagay.

2. Pagsasáma o pag-iisa (tulad ng dalawang kapisanan).

3. Pagsapi sa anumang kilusán o samáhan.
SÁLI, SÁMA, SAPÌ

4. Ang inilalagay sa ibabaw o sa ilalim ng anuman bílang sapin o patibay.

Paglalapi
  • • pagsasánib, pagsánib: Pangngalan
  • • isánib, magkasánib, magsánib, makisánib, mapagsánib, pagsaníbin, pinagsánib, saníban, sinaníban, sumánib: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.