KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•lì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Mamulá-muláng laway dahil sa pagngunguya ng búyo o tabako.

sá•li

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pakikibahagi sa anumang gawain (lalo na sa mga paligsahan).
LAHÓK, SÁMA

2. Táong kumakatawan sa anumang bagay na ipinapasok sa paligsahan o timpalak.

Paglalapi
  • • kasáli, pagkakasáli, pagsáli, pakikisáli: Pangngalan
  • • nagsáli, isináli, isáli, magsáli, makisáli, pasalíhin, pinasáli, salíhan, sinalíhan, sumasáli, sumáli: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.