KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang gawa na labag sa batas o tuntúnin ng isang samahán, relihiyon, o bansa.
KASALÁNAN, PAGKAKASÁLA, BISÁLA

2. Maling sagot o ginawa sa pagsusulit.

3. Hindi pagtama (kung sa tinutudla).
LÁWAS, MINTÍS

Idyoma
  • sumasála sa oras
    ➞ Hindi kumakain ng makatlo sa maghapon dahil sa kahirapan.
    Laging sumasála sa oras ang mag-anak ni Leoncio.

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
sala+s
Varyant
sá•las
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Silid o bahagi ng bahay na tanggapan o tulúyan ng mga panauhin.

2. Bulwagang nauukol sa malalakíng pagtitipon.

sa•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpaparaan ng tubig o iba pang kauri nitó sa anumang masinsing bagay upang maalis ang dumi o iba pang kahalong ibig ihiwalay.

Paglalapi
  • • pagsalà, panalà, salaán: Pangngalan
  • • ipansalà, ipasalà, magsalà, nagsalà, pasaláin, saláin, sinalà, sumalà: Pandiwa
  • • salâ: Pang-uri

sa•lá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghahabi-habi ng patpat ng kawáyan.
LÁLA

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang malî

2. Hindi tumama (kung sa baril).

Paglalapi
  • • makasalánan, pagkakasála, pagsála : Pangngalan
  • • magkakasála, magkasála, nagkakasála, nagkasála, sumála: Pandiwa

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May pinsala sa katawan (tulad ng pílay, balì, atbp.).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.