KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paggawa ng sawali, banig, at iba pang mga kauri gámit ang binulay na dahon ng bulé o kawayang pinanipis bílang sangkap.
HÁBI, SALÁ

Paglalapi
  • • lalahán, maglalalá, manlalála: Pangngalan
  • • ilála, ipalála, lumála, maglála, malála: Pandiwa

la•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Higit na seryoso o mapanganib (tulad ng pangyayari o karamdaman).
GRÁBE, LUBHÂ, TINDÍ

2. Pamimihasa sa isang gawaing napasimulan na.

Paglalapi
  • • lumalâ, magpalalâ, palalaín: Pandiwa
  • • malalâ, pinalalâ: Pang-uri

la•là

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang maásim

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.