KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•kop

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagiging saklaw ng isang kapangyarihan.

2. Pagiging bahagi ng isang kabuoan.
Ang kinatitirikan ng kanilang bahay ay sákop ng lupang aking nabili.

Paglalapi
  • • mananákop, pagsákop, pananákop : Pangngalan
  • • ipasákop, magpasákop, manákop, masakúpan, masákop, nagpasákop, nanákop, sakúpin, sumákop: Pandiwa

sa•kóp

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. POLITIKA Nása ilalim ng kapangyarihan.
GAPÎ

2. Nása loob ng isang espasyo; kasáma sa isang kabuoan.
BAHÁGI, SAKLÁW

3. Nása kamay ng kaaway.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.