KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•há•gi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Isa sa mga hatì o sangkap ng isang kabuoan (pisikal man o hindi).
PARTÉ, SEGMÉNTO, SEKSIYÓN

2. Tingnan ang dáko

3. Gampanin ng isang tao sa anumang gawain na nilalahukan din ng iba.
TUNGKÚLIN, TRABÁHO, PARTÉ, PAPÉL

Paglalapi
  • • kabahági, pagbabahági, pagkakabahagì, pakikibahági, pamahági, pamamahagì : Pangngalan
  • • bahagínan, makabahagì, makibahági, mamahági, pagbabahagínan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.