KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pis•tá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
fiesta
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Taunang pagdiriwang ng bayan para sa patron o mahalagang tao na kinikilala roon.
PIYÉSTA, PESTÉHO

2. Anumang katulad na malaking pagdiriwang.

Paglalapi
  • • ipagpistá, magpistá, makipamistá, mamistá: Pandiwa
  • • pamistá: Pang-uri
Idyoma
  • áraw-áraw ay pistá
    ➞ Laging masaya, masarap ang kinakain, maganda ang suot, atbp.

pis•tâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang pintás
Puro pistâ ang bukambibig ng táong isip-bata.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.