KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pin•tás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-uukol ng mga puna sa katangian ng isang tao (lalo kung ibig mang-insulto).
Wala na bang ibang lalabas sa bibig mo kundi puro pintás sa kapuwa?
PULÀ, SÓMBRA, PISTÂ

Paglalapi
  • • kapintásan, mamimintás, pagpintás, pamimintás: Pangngalan
  • • ipintás, mamintás, mapintasán, pintasán, pumintás: Pandiwa
  • • mapamintás, palapintásin : Pang-uri
Idyoma
  • waláng maipípintás
    ➞ Hindi kakikitahan ng mali; halos perpekto.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.